Elle était là…

Personne chutes dans l'amour par choix, il est par hasard. Personne séjours dans l'amour par hasard, il est par le TRAVAIL. Et personne chutes hors de l'amour par hasard, il est par choix

Composition type: Song
written by: Jeanne Bernice A. Quitoriano
Date: ??/??/2006
Location: Antipolo City
=========================================

Sa isang sulok ng daigdig
Hinihintay ka... sana'y marinig
isang awiting inaalay... sa iyo...
isang awiting... para sa iyo...

kahit... anong gawin...
tila walang pag-asang marating
ang panahong ika'y maaaninag din
kahit kailan mahirap pilitin

Chorus:
Saan ka na?
Ako'y iyong naririnig ba?
Dinig mo ba ang pintig ng puso
naghihintay sa yo?
Nasan ka na?
Sana'y dumating ka na
naghihintay ako... at ang aking gitara...

Ilang beses na umikot ang plaka
ng mga bandang nagbibigay saya
sa isipang di mapalagay
sa paghihintay sa'yo ng walang humpay...

Ilang awit na rin ang aking nabuo
sa utak kong tuliro
anong meron ka na wala ang iba?
bakit hanggang ngayon ay pinaghihintay pa?

(Repeat Chorus)

Bridge:
Sabihin mo lang ang hinihintay ko
nang matapos ang kaguluhan ng utak ko
itigil mo na ang pangangamba ng puso ko
dahil ako'y naghihintay sa'yo....

0 comments: